South Korean government, nagpapaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Marawi City

Ipinaabot ni Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa ang kanilang pakikiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Marawi City.

Tiniyak din ni Ambassador Lee ang patuloy na pagpapalakas nito ng alyansa sa Pilipinas.

Ito ay lalo na’t sa susunod na taon ay ipagdiriwang na ang ika-75 taong pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea.


Partikular na isinusulong ng dalawang bansa ang strategic partnership nito sa maritime security.

Facebook Comments