Higit 3 milyong pamilyang Pilipino, nakaranas ng involuntary hunger – SWS Survey

Kakaunting Pilipino lamang nitong Hunyo ang nagsabing nakaranas sila ng gutom.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 13.6% o 3.4 million na pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger dahil sa kawalan ng makakain o isang beses nitong nagdaang tatlong buwan.

Mababa ito kumpara sa 16.8% o 4.2 million families noong May 2021.


Mababa rin ito sa 2020 annual average na 21.1% ngunit mataas sa pre-pandemic level noong 2019 na nasa 8.8% lamang o 2.1 million na pamilya.

Bumaba ang hunger incidence sa Visayas sa 8.3% (396,000 families), Midnanao na nasa 15% (863,000 families), Balance Luzon na nasa 15% (1.7 million families) at Metro Manila na nasa 14% (473,000 families)

Ang survey ay isinagawa mula June 23 hanggang 26 sa 1,200 adult respondents,

Facebook Comments