HIGIT 30, 000 NA PAMILYA SA DAGUPAN CITY, APEKTADO SA NARARANASAN MATINDING PAGBAHA SA LUNGSOD

Umabot na sa mahigit tatlumpong libo o 30, 000 na mga pamilya ang apektado sa nagdaang bagyo na isa sa nagdulot ng matinding pagbahang nararanasan ngayong dito sa Dagupan City katumbas niyan ay nasa 116, 000 na mga Dagupeño.
sa mga evacuation centers dito sa Dagupan City, inaasahan pa ang mga ang mga dagdag evacuees dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig baha dulot pa rin ng SINUCALAN River at sinabayan pa ng high tide season.
Pinakaalalahanin ng mga ito ang kanilang mga naabot at nalubog na mga kabahayan, maging ang kanilang mga kagamitan. May ilang bahagi sa barangay dito sa Lungsod ang lagpas tao ang lebel ng tubig kung kaya’t hindi na nila magawang mahakot pa ang ilan sa mga gamit nila sa bahay.

Kaugnay sa mga apektadong residente ay nagpapatuloy din ang pamamahagi ng mga relief packs sa bara-barangay dito sa Dagupan City at recently naibahagi ito sa mga residente sa barangay ng Carael, Pogo Grande at Lasip Grande. |ifmnews
Facebook Comments