ILANG MGA RESIDENTE SA DAGUPAN CITY, PANGAMBA ANG MARUMING TUBIG BAHA SA KANILANG MGA PUROK; CHO, NAGPAALALA

Ilang mga residente sa Dagupan City ang nababahala pa rin sa epekto ng mataas na lebel ng tubig ngayon lalo na sa nararanasang maruming tubig baha.
Nakapanayam natin ilan sa mga residente sa Dagupan City at ayon sa kanila, marumi raw ang tubig baha sa kanilang mga purok partikular sa Purok 4 and Purok 5 sa Brgy. Lucao.
Ilan sa mga ito ay hindi pa rin nabibigyan ng umano ng doxycycline o gamot para sa mga taong patuloy na sumusuong sa baha upang maiwasan ang sakit na banta ng Leptospirosis.

Bago naman ibigay sa mga bara-barangay sa Dagupan City ang doxy, kasabay din nito ang pagbahagi sa ilang kaalaman na dapat unawain tulad ng bawal ito sa mga bata ages 17 and below. At bawal din sa mga may kidney at liver problem, and sa mga buntis at nagpapasuso. Bawal ding uminom ng alak kapag itetake ito. At kinakailangan na may laman ang tiyan pag iinumin na.
Pangamba ng mga ito ang marumi at mabahong tubig baha kaya ang iba lalo na kapag hindi kaya ng bota ang taas ng tubig ay sumusuong nalang sa baha at naghuhugas na lang daw sila agad.
Samantala, ayon naman sa tanggapan ng City Health Office na siniguro nila na lahat ay mababahagian ng doxycycline iwas Leptospirosis at sapat naman umano ang ilan pang mga gamot kung sakaling mangailangan ang mga Dagupeño.
Sa ngayon patuloy pa rin ang paalala ng health authorities na kung maaari ay wag suungin ang baha lalo na kapag may sugat. |ifmnews
Facebook Comments