Higit 30 artista, kasama sa narco list – PDEA

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa 31 artista ang kabilang sa kanilang narco-list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – lahat ng mga ito ay kilala at popular.

Una nang sinabi ng PDEA na dalawang artista ay kliyente ng party drug dealer na si Steve Pasion na napatay sa operasyon.


Ani Aquino – narekober nila ang mga text messages mula sa isang male celebrity na bumibili ng 200 piraso ng ecstasy kay Pasion.

Lumalabas na nakukuha ni Pasion ang droga mula sa Netherlands at iba pang parte ng Europe sa pamamagitan ng dark web.

Facebook Comments