Mga paring nanggagahasa sa mga bata, dapat mamatay – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mas makabubuti sa mundo kung walang mga paring gumagawa ng sexual abuse.

Ayon sa Pangulo – dapat lamang mamatay ang mga paring nanggagahasa ng mga bata.

Binanatan din ng Pangulo ang mga paring nakikisawsaw sa pulitika.


Matatandaang tatlong pari ang nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay sa pamamagitan ng mga text messages at napapansin ang mga kahina-hinalang aktibidad sa laban ng kanilang mga bahay.

Una nang sinabi ng Malacañan na posibleng galing lamang sa mga troll ang mga pagbabantang natatanggap ng ilang miyembro ng simbahan.

Facebook Comments