HIGIT 30-EKTARYANG PANANIM SA BAYAN NG TAYUG, PANGASINAN KAUNA-UNAHANG TANIMAN SA ILOCOS REGION NA APEKTADO NG EL NIÑO

Inihayag ng Department of Agriculture Region 1 na mayroon ng naitala ang ahensya na lugar o taniman sa Ilocos Region na apektado ng nararanasang El Niño phenomenon.
Sinabi ni DA-Ilocos Region, Regional Technical Director Dennis Tactac na dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon, apektado na ang mahigit tatlumpo’t apat na ektarya ng mga pananim sa Brgy. Evangelista, bayan ng Tayug, Pangasinan kung saan tatlumpong (30) magsasaka na rin ang apektado rito.
Pangunahing naapektuhan ang mga pananim na palay kung saan makikita sa mga kuhang larawan sa mga taniman ay malapit nang matuyo at mamatay dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Nagkabitak-bitak na rin ang mga lupa dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa lugar.
Bilang sagot sa problema ng mga magsasaka ay namahagi na ang ahensya ng mga alternative na mga pananim gaya ng mais at iba pa kung saan ang mga ito ay hindi halos nangangailangan ng tubig.
Sa ngayon patuloy pa na minomonitor ng ahensya ang mga lugar sa Ilocos Region kung mayroon pa nga bang lubhang naapektuhan ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments