UniTeam, matatag pa rin ayon kay Sen. ‘Bato’ dela Rosa

 

Tiwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na matatag pa rin ang UniTeam ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay dela Rosa, kumpiyansa siyang “very strong” o napakatatag pa rin ng UniTeam sa pagitan ng presidente at bise presidente.

Aniya, kung talagang sira na ang UniTeam ay hindi sana pinagkatiwala o iniwan ni Pangulong Marcos kay Vice President Sara ang bansa bilang caretaker habang nasa Vietnam ang pangulo.


Makikita aniya sa kilos nito na buo pa rin ang relasyon at tiwala ng dalawa sa isa’t isa.

Naniniwala rin si Dela Rosa na kapag may sinabi si Pangulong Marcos ay matino ito at may isang salitang kausap matapos na tiyakin na tiwala pa rin siya kay VP Sara.

Facebook Comments