Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City ang lahat ng mga magulang o legal guardians na pabakunahan ang lahat ng mga batang wala pang LIMANG taong gulang pababa.
Ang bakunang ibibigay sa mga batang ito ay NAKASISIGURADONG LIGTAS AT WALANG DAPAT IKABAHALA ayon pa sa mga Health Officials.
Gagawin ang SABAYANG PATAK KONTRA POLIO SA REHIYON DOSE upang makaiwas sa muling paglaganap ng polio sa ating lugar.
Mag-iikot ang mga health workers sa lahat ng 37 barangays ng lungsod upang bakunahan ang mga bata mula ngayong araw na ito ng Lunes, November 25, 2019 hanggang sa December 7, 2019.
Nauna na ring nagsagawa ng parada ang ibat ibang sektor sa syudad noong sabado bilang pakiisa sa adbokasiya ng DOH.
Target ng OHS sa Cotabato City na mabakunahan 36,826 na kabataan na mabakunahan.
Kaugnay nito, pangungunahan mismo ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ang unang araw ng sabayang patak kontra polio sa lungsod , nakatakdang gagawin ito ngayong umaga sa Peoples Palace.
Pic: Dr. M P FB
Higit 30 libong kabataan sa Cotabato City target na mga bakunahan kontra Polio
Facebook Comments