Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 34,000 na mga manggagawa sa Lambak ng Cagayan ang tumanggap ng tulong sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 2 ng pamahalaan.
Sa pinakahuling datos ng DSWD Region 2, nangunguna sa rehiyon ang probinsya ng Isabela sa may pinakamaraming manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang nabigyan ng tulong pinansyal sumunod ang Cagayan at Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino.
Sa Isabela, tinatayang aabot sa 16,899 na mga manggagawa ang nabigyan ng financial assistance mula sa 2,062 na establisyimento sa lalawigan.
Nasa 11,632 workers naman sa Cagayan at Batanes; 3,669 sa probinsya sa Nueva Vizcaya at 1,941 sa Quirino.
Sa kabuuan, nasa Php156,750,000.00 na ang naipamahagi ng DSWD 2 sa mga kwalipikadong manggagawa sa rehiyon dos.