Cauayan City,Isabela- Mahigit 1,000 board feet ng mga nilagareng Narra Tree ang kinumpiska ng mga awtoridad sa Barangay Rizal, Roxas, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Russel Tuliao, hepe ng PNP Roxas, una silang nakatanggap ng impormasyon at kaagad na tumugon upang beripikahin ang mga ibinababang kahoy sa Sitio Ragsakan.
Umabot sa kabuuang 36 piraso ng punongkahoy na nagkakahalaga ng higit sa P200,000.
Nakatakas naman ang sakay ng motorsiklo na pinaniniwalaang kasabwat na kinilalang si Joseph Macoy na residente sa lugar.
Napag-alaman na nagmula pa sa Kalinga ang mga nadiskubreng kahoy.
Facebook Comments