Higit 30 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Cotabato City

Mahigit dalawampung mga kabahayan ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog pasado alas otso kagabi sa Purok Sibuyan, Mother Barangay Rosary Hieghts sa Cotabato City.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinag-ugatan ng sunog na nagsimula sa tahanan ng isang Boy Lim ayon pa kay FO2 Aldrin Narra, tagapagsalita ng BFP Cotabato.
Bagaman may mga bahagyang nasugatan na ilang mga residente dahil sa kagustuhan may maisalbang mga kagamitan, nagpapasalamat pa rin ang si MBRH Brgy. Kagawad Basco Kamsa na walang may nasawi sa pangyayari.
Tinatayang nasa 40 na pamilya ang apektado ng sunog, dagdag ni Kagawad Kamsa.
Sinasabing humigit kumulang sa 300 libong piso ang naabo sa sunog.
Nanawagan naman ang mga residenteng nasunugan ng tulong mula sa LGU at sa lahat ng nakakaluwag sa buhay.

Facebook Comments