HIGIT 30 SENIOR CITIZEN SA INFANTA, BINAKUNAHAN KONTRA COVID-19; ALKALDE, NANGUNA SA PAGPAPABAKUNA

INFANTA, PANGASINAN – Pinangunahan ng alkalde ng bayan ng Infanta na si Mayor Marvin Martinez ang naganap na pagbabakuna sa lokalidad para malabanan ang COVID-19.
Ito ay bilang pagsuporta sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” program ng Department of Health (DOH) na pinangasiwaan ng kanilang Rural Health Unit (RHU).

Kasabay ng opisyal ay nabakunahan din ang tatlumpu’t apat na Senior Citizens gamit ang Sinovac Vaccine.

Pahayag ng alkalde, ang pagbakuna ang pinakamainam na paraan para maprotektahan ang sarili laban sa nakamamatay na virus.


Samantala, hinimok nito ang mga kababayan na huwag mag-alinlangan sa pagpapabakuna sa oras na maging available nang muli ang Covid-19 vaccines sa munisipalidad.

Hinikayat naman ng RHU ang iba pang mga Senior Citizen na magpalista na sa kanilang Barangay Health Workers upang maitakda na ang kanilang initial screening.

Facebook Comments