Higit 300 Barangay sa Isabela, Apektado ng African Swine Fever

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa higit 300 barangay sa Isabela ang naapektuhan ng sakit ng baboy na African Swine Fever (ASF).

Batay sa datos ng Provincial Veterinary Office, nasa 28 bayan ang apektado nito habang nadagdagan lang ang mga barangay kinapitan ng nasabing sakit ng baboy.

Umabot naman sa kabuuang 32,802 ang mga alagaing baboy ang isinailalim sa culling mula sa mga hog raisers.


Nagkaroon din umano ng pagbagal sa pagkalat ng ASF kung ikukumpara noong Agosto hanggang Oktubre dahil iilang barangay nalang ang nagpapasuri bawat araw.

Samantala, bagama’t nagkaroon ng kaunting pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan ay nakadepende na lamang ito sa LGUs kung paano maiibasan ang pag-aray ng mga mamimili sa taas-presyo ng karne ng baboy.

Mahigpit pa rin ang pagpapapasok ng mga pork-based products mula sa labas ng rehiyon dahil sa posibleng pagkahawa ng iba pang natitirang alagang baboy subalit kinokonsidera din ang kumpletong dokumento na maiprepresenta para payagang makapasok sa probinsya.

Facebook Comments