Cauayan City, Isabela- Umaabot sa kabuaang 327 scholars ng Bojie Rodito Opportunities for Education (BRO-Ed) ang tumanggap ng scholarship allowance para sa taong 2019-2020 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Pinangunahan ito ni Governor Rodito T. Albano III, Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, LPGMA Representative Allan U. Ty at ilan pang opisyal sa ginanap na distribusyon sa bayan ng San Isidro at Cordon.
Ayon kay Vice Governor Dy, ito ay pagtitiyak na mas marami pang kabataan mula sa mga mahihirap na pamilya ang makapagtapos sa kolehiyo at kanyang pagmamalaki na ang Isabela ang kauna-unahan na may pinakamaraming napagtapos upang maiangat ang kabuhayan ng mga bawat pamilya.
Inatasan naman ni Governor Albano ang nangangasiwa sa BRO-ED scholarship na dagdagan pa ang bilang ng mga scholars at tumukoy ng mga scholar sa bawat bayan.
Ayon naman kay Cong. Uy, patuloy ang pag-agapay ng LPGMA Partylist sa mga iskolar sa lalawigan.
Nagtapos naman ang nasabing distribusyon sa pamimigay ng cash allowance at 25 kilos ng bigas.