Higit 300 construction workers sa Taguig City, positibo sa COVID-19

(World Map)

Kumpirmadong nagpositibo ang nasa 327 construction workers sa Taguig City matapos isailalim sa COVID-19 test ang isang construction site sa lungsod ng Taguig.

Sa 691 workers na na-test sa Fort Bonifacio construction site, nakitang positibo ang halos kalahati sa kanila ayon sa Facebook post ng lokal na pamahalaan noong Hulyo 9.

Nasa 111 indibidwal naman ang nagpositibo sa mahigit 2,104 tests sa mga lugar ng Purok 5 at 6 sa Lower Bicutan.


Ayon sa post, kasalukuyan nang sinusubaybayan ang COVID-19 positive patients na naka-isolate na sa mga piling pasilidad.

“A localized lockdown immediately stops the spread of the virus and allows us to conduct an investigation unimpeded. In a matter of 24 hours, we were able to close and quarantine the BGC construction site, begin contact tracing, testing and treatment,” saad pa sa post.

Pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng Taguig na patuloy sundin ang health and safety protocols mula sa national and local government.

“In line with this, we remind the public and businesses to continue to follow health protocols. Rest assured that the city government continues to work to ensure your protection.”

Samantala, nitong Huwebes ay inanunsyo naman ng Department of Health (DOH) na 1,395 ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 cases sa bansa na mayroon ng kabuaang 51, 754.

Facebook Comments