Manila, Philippines – Umabot sa 349 incumbent at re-electionist local officials ang kasama sa watchlist ng pamahalaan.
Ito ay listahan ng mga pulitikong nakikipagsabwatan sa rebeldeng komunista.
Base sa datos ng DILG, 11 ang governor, 5 vice governors, 10 incumbent congressmen, isang dating congressman, 55 mayors, 21 vice mayors, 41 city councilors at 176 barangay officials.
Karamihan sa mga opisyal ay mula sa Bicol Region, Northern Mindanao, Davao Region at sa Cagayan Valley Region.
Pero tumanggi muna si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pangalanan ang mga pulitikong ito.
Aminado si Año na base lamang ito sa intelligence reports.
Aniya, sumusuporta ang mga pulitikong ito sa mga rebeldeng komunista sa pamamagitan ng pagbibigay ng extortion money.
Babala ngayon ng DILG sa mga pulitiko na iwasan ang pagbibigay ng extortion demand sa communist rebels.