Higit 300 kaso ng Delta variant, naitala ng DOH sa buong bansa

Umaabot sa 319 na karagdagang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

Sa online media forum ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, 40 sa nasabing bilang ay mula sa Region 2; 31 sa Caraga; 26 sa Region 4A; tig-24 sa National Capital Region (NCR) at Region 1 habang tig-23 naman sa Region 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa 18 ang pawang mga Returning Overseas Filipino (ROF), apat ang kasalukuyan bineberipika at bukod tanging ang Region 12 ang walang naitatalang kaso ng Delta variant.


Bukod dito, nasa 13 ang naitalang Alpha variant, siyam ang Beta variant at lima ang P.3 variant.

Ang nasabing mga bilang ay mula sa 374 samples na nasuri noong September 18, 2021.

Facebook Comments