Higit 300 katao sa Santiago City, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 324 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago batay sa pinakahuling datos ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU).

Ayon kay Mayor Joseph Tan, humigit kumulang 30,000 indibidwal na ang sumailalim sa mass testing na hakbang para matukoy kung sino-sino ang mga carrier ng naturang sakit.

Aniya, nais rin sana ng LGU Santiago City ang pagsasailalim sa total lockdown subalit una nang ipinakiusap ng DILG ang pagbabalanse sa usapin ng kalusugan at ekonomiya ng siyudad.


Dahil dito, minabuti ng alkalde ang pagpapatupad sa mas mahigpit na panuntunan upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa lungsod.

Kaugnay nito, inatasan ni Tan ang mga barangay na ibalik ang mga Barangay Checkpoint upang higit na matiyak na nasusunod ang alituntunin sa pag-iwas sa COVID-19.

Sinabi pa ng opisyal na punuan na rin ang mga pribado at pampublikong hospital sa lungsod dahil sa dami ng mga nagpopositibo sa virus at masigurong nababantayan ang mga ito sa kanilang kalusugan.

Bukod pa dito, ipinatupad na rin ang liquor ban sa lungsod at ang mga biyahero mula sa labas ng rehiyon ay kailangang ipakita ang resulta ng RT-PCR test na naisagawa sa loob lamang ng 48-hour.

Samantala, tiniyak rin ni Tan na handa ang LGU sa pagbili ng bakuna subalit hindi aniya lingid sa kaalaman ng publiko ang limitadong suplay ng bakuna.

Umaasa naman ang opisyal na masusunod ng publiko ang umiiral na polisisya sa COVID-19.

Facebook Comments