Handang-handa na ang mga silid-aralan na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 sa Dagupan City.
Sa datos, nasa kabuuang 384 na silid-aralan mula sa 30 pampublikong paaralan sa lungsod ang nakatakdang gagamitin bilang polling precinct para sa BSKE sa darating na Lunes, Oktubre 30.
Ang mga silid-aralan ito ay pasado at naaayon sa standard ng COMELEC.
Inihayag ni Atty. Michael Sarmiento, ang Dagupan City Election Officer, na agad nagsimula ang briefing at final orientation ng mga guro sa Dagupan City na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa Dagupan City matapos ang kanilang pagsasanay para sa halalan.
Dagdag pa nito na handang-handa na ang 1, 152 na mga guro na magbabantay sa halalan kung saan nahati ang mga ito sa apat na grupo para sa briefing.
Samantala, nagpaalala ang opisyal sa publiko na magtungo na ng maaga sa mga botohan sa araw ng halalan upang hindi na maabutan ng napakahabang pila.
Magbubukas ang mga voting polling precincts eksaktong alas syete ng umaga at magtatagal ng hanggang alas tres ng hapon lamang.
Dagdag pa ng opisyal, na ang botanteng nasa paligid ng botohan ay sila lamang ang mabibigyan ng pag-asang makaboto sa oras ng cut-off at kapag lumampas ng alas tres ay hindi na tatanggaping makaboto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments