HIGIT ISANG LIBONG MGA TUKOY NA DAGUPENO, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Higit isang libong mga tukoy na Dagupeno ang nakatanggap ngayon ng tulong pinansyal sa ilalim ng iba’t-ibang programa ng national government katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Nasa isang libo at labinsiyam o 1, 019 ang bilang ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang tumanggap ng kanilang payout.
Nauna nang sumailalim ang mga ito sa validation upang matiyak kung karapat-dapat ang mga ito na maging beneficiary ng nasabing programa.

Naipamahagi rin ang tulong pinansyal pampaayos sa mga nasirang kabahayan ng mga Dagupenong naapektuhan dahil sa nagdaang bagyong Egay kung saan 23 dito ay totally damaged at 225 naman ay partially damaged na mga bahay.
Ilan pang mga programa sa lungsod ang umaarangkada upang mabenipisyuhan ang mga nangangailangang residente dito sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments