Umaabot na sa 348 na mga kasapi ng New People’s Army (NPA) at kanilang mga kaalyansa ang na-neutralisa ng pamahalaan mula January 1 hanggang March 7, 2024.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa nasabing bilang, 301 ang sumuko, 14 ang nahuli habang 33 naman ang napatay ng militar.
Samantala, 41 kampo ng NPA, 175 mga armas at 44 na anti-personnel mines naman ang nasabat ng mga awtoridad.
Sinabi pa ni Padilla na sa nasabing panahon, 44 na local terrorist group members naman ang na-neutralisa kung saan 27 ang sumuko, isa ang arestado at 16 ang nasawi matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na target ng militar na ma-dismantle ang lahat ng NPA Guerilla fronts bago mag-Marso 31 ngayong taon.