Kamara, nagpasalamat sa pasya ng PhilHealth na ilibre na ang mammogram at ultrasound para sa mga miyembro nito

 

Nagpasalamat ang House of Representatives sa positibong tugon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa hiling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ilang kongresista na gawing libre ang mammogram at ultrasound para sa mga babaeng miyembro nito simula sa Hulyo ngayong taon.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sakto ang hakbang ng PhilHealth sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Diin ni Romualdez, sang-ayon ito sa adbokasiya at prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Binanggit naman ni Congressman Tulfo na bunga rin ito ng pulong ni Romualdez sa mga opisyal ng PhilHealth, sa pangunguna ng pangulo at CEO nito na si Emmanuel Ledesma Jr.

Facebook Comments