Higit 300 pamilya, inilikas sa Misamis Oriental dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette

Inilikas ang nasa 314 na pamilya sa Misamis Oriental bunsod nang pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Misamis Oriental PDRRMO Fernando Vincent Dy Jr., ang mga ito ay inilikas mula kagabi hanggang kaninang alas-10:00 ng umaga bilang pre-emptive measures.

Kabilang sa mga syudad na nagsagawa ng preventive evacuation ay ang Gingoog kung saan nasa 133 pamilya ang inilikas, 100 pamilya sa Tagoloan, 158 sa Logonong, anim na pamilya sa lungsod ng Villanueva, apat sa Balingwan at pito sa lungsod ng Binwangan na sa kasalukuyan ay pansamantalang nanunuluyan sa covered courts, gym at mga paaralan.


Sinabi pa ni Dy na ilang mga lugar na sa Misamis Oriental ang nakaranas ng heavy to intense rain kahapon pa.

Kasunod nito, dahil naging maagap ang paghahanda nila ay nakapreposisyon na ang lahat ng food packs, mga equipment maging ang mga gamot na kakailanganin.

Tiniyak din nitong naipatutupad ng maayos ang health protocols sa mga evacuation area.

Facebook Comments