Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit 300 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program beneficiaries mula sa iba’t ibang barangays ng Saguday, Quirino ang natanggap na ang kanilang sahod mula sa Department of Labor and Employment-Quirino Field Office (DOLE-QFO) kamakailan.
Inihayag naman ni DOLE-QFO Provincial Director Laura B. Diciano sa mga benepisyaryo na gamitin ang kanilang pera na natanggap habang kamakailan ng aprubahan ang dagdag na sahod sa buong rehiyon.
Ginawa ang dagdag-sahod matapos ang ilang serye ng public consultation at public hearing na pinangunahan ng Regional Tripartite and Wage Productivity Board (RTWPB).
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P3,700.00 para sa kanilang 10 araw na trabaho.
Facebook Comments