Cebu Gov. Gwen Garcia sa IATF resolution: ‘It does not carry the force of law’

67

Nanindigan si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na walang dinadalang pwersa ng batas ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasunod ito ng pahayag ng Department of Justice (DOJ) na kailangan pa ring sundin ang resolusyon ng IATF hinggil sa mandatoryong pagsusuot ng face mask sa kabila ng mga executive order na inilalabas ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Garcia, hindi naman isinabatas ng Kongreso ang mga resolusyon ng IATF at hindi rin naman ito executive order na pinirmahan ng pangulo ng bansa.


Kaugnay nito, malinaw aniya na hindi dapat na maging debate ang naturang usapin.

Wala rin naman aniyang debate na ang mga miyembro ng IATF na kadalasang mga kalihim ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay nagsisilbing mga alter ego ni Pangulong Duterte maliban na lamang kung ginagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang kalihim ng kani-kanilang departamento.

Facebook Comments