Higit 300 vote counting machines na nagka-aberya, kinukumpuni na para magamit sa eleksyon sa Lunes

Maliit na porsyento lamang mula sa kabuuang bilang ng mga Vote Counting Machines (VCMs) ang nakapagtala ng minor problems.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia na ito ang dahilan kung kaya’t nagsasagawa ngayon ng final testing and sealing ng mga VCMs.

Ayon kay Garcia, nasa 355 na mga VCMs lamang ang nagkaaberya at ang mga ito ay dinala na sa repair hubs nang sa ganon ay makumpuni at magamit sa halalan sa Lunes.


Sa naturang bilang 200 na ang naayos at anumang oras ay idedeploy na sa mga polling precincts.

Giit pa ni Commissioner Garcia, kahit ilang beses nang nagamit sa mga nagdaang halalan nananatiling maayos at efficient parin ang mga VCMs.

Nabatid na hanggang bukas, May 7 ang schedule ng final testing and sealing ng mga VCMs sa buong bansa.

Facebook Comments