Higit 3,000 negosyo, pansamantalang magsasara bunsod ng COVID-19 crisis ayon sa DOLE

Mahigit 3,000 negosyo sa bansa ang pansamantalang magsasara sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bagama’t wala pang kompanya ang naghahain ng bankruptcy, mahigit 200 naman ang nagpasabi sa ahensya na tuluyan nang magsasara.

Aniya, nasa 2.7 milyong manggagawa na rin ang apektado ng krisis.


Kaugnay nito, umaasa ang kalihim na magbibigay ang Kongreso ng amelioration fund para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Nitong nakaraang buwan nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P1.3 trillion reform package na layong tugunan ang epekto sa ekonomiya ng COVID -19 crisis.

Sa ilalim nito, maglalaan ng wage subsidies ang pamahalaan sa mga non-essential businesses (50% to 75% ng sahod), self-employed at freelancers (75% of minimum wage) at sa mga overseas Filipino workers (P15,000 per month) sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments