Oil price rollback, aarangkada sa susunod na linggo

71

Matapos ang ilang linggong oil price increase, magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa darating na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 ang tapyas sa kada litro ng gasolina.


May rollback din sa kerosene na aabot sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng diesel.

Facebook Comments