Dagupan City – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan na may temang “Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan”, handog ng Dagupan City Public Employment Service Office katuwang ang Department of Labor and Employment Pangasinan ang higit 3,000 na trabaho sa loob at maging overseas sa Kalayaan Job Fair na gaganapin bukas.
Sa humigit kumulang 31 mga employers na lalahok sa Kalayaan Job Fair aabot sa 2,121 local job vacancies at nasa 1,80 overseas jobs ang maaaring aplayan ng mga job seekers. Pinayuhan ng DOLE at PESO Dagupan ang mga interesadong aplikante na maging maaga sa pagpunta sa nasabing job fair dahil asahan na ang dagsa ng maraming job seekers. Inaasahang mag-uumpisa ang Kalayaan Job Fair 10:00 am na magtatagal hanggang 4:00 pm.
Bukod sa DOLE at PESO Dagupan makikilahok din ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration, Bureau of Internal Revenues, Social Security System, PhilHealth, at Pag-Ibig Funds para bigyan din ng assistance ang mga aplikante sa ibang mga requirements.
Samantala positibo ang DOLE Pangasinan na makatutulong ang mga ganitong job fairs upang mabigyan ng kongkretong solusyon ang unemployment rate sa lalawigan. Sa datos ng ahensya mula 8.87% noong 2017 bumaba na ang unemployment o pangasinense na walang trabaho sa 5.2% ngayong taon.