Umabot na sa 34,057 individuals ang nagsimula na ng kanilang trabaho bilang COVID-19 contact tracers matapos nilang makumpleto ang training.
Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) kagabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa 64,422 ang nag-apply bilang contact tracers, pero nasa 41,068 lamang ang nakwalipika habang 23,974 ang na-train.
Ang mga iha-hire na tracers ay makatatanggap ng minimum na sahod na nasa 18,784 kada buwan sa ilalim ng contract of service status.
Nabatid na target ng pamahalaan na mag-hire ng nasa 50,000 contact tracers para paigtingin ang tracing efforts ng gobyerno sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments