Higit 30,000 family food packs, naipagkaloob sa mga apektado ng granular lockdown

Umaabot na sa 30, 275 family food packs ang naipamahagi ng national government sa mga residenteng naapektuhan ng granular lockdown.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na maliban sa mga lugar na naka-granular lockdown, napagkalooban din ng tulong ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Katumbas aniya ito ng P19.5 million.


Sa ngayon ani Malaya, nasa 139 na lugar na lamang sa Metro Manila ang nananatili sa ilalim ng granular lockdown, mula sa kabuuang bilang na 896 mula nang simulang ipatupad ang alert level system sa rehiyon.

Sinabi pa ni Malaya na bumaba na rin sa 617 ang mga apektadong pamilya.

Pinakamarami sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown ay mula sa Maynila na mayroong 34 na lugar, 33 mula sa Pasay, 30 mula sa lungsod Quezon, 27 sa Pateros at 10 naman sa Las Piñas.

Facebook Comments