Naitala ng Department of Health (DOH) ang nasa 37,154 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.
Dahil dito, nasa 287,856 na ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 habang 50 ang nadagdag sa mga pumanaw at 30,037 ang nadagdag rin sa mga gumaling.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa mga gumaling at nasawi sa bansa, nasa 2,864,633 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober, at 52,907 ang mga namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratory ay operational noong January 14, 2022 habang mayroong 12 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base pa sa datos, ang kontribusyon ng 12 na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na nasuri at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakalipas na 14 araw.