Pulis-SOCO na sangkot sa umano’y rape sa grade 10 student, ililipat na sa Kampo Karingal

5531

Anumang oras ay nakatakdang ilipat sa Kampo Karingal ang pulis na si Pssgt. Galahad Altarejos, ang miyembro ng Philippine National Police (PNP-SOCO) na umano’y nanggahasa sa 17 anyos na dalagita sa Kamuning, Quezon City kagabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Commander PCol. Alex Alberto, hinihintay na lang ang resulta ng medico legal na isinagawa sa grade 10 pupil na umano’y ginawan ng kahalayan ng pulis na si Altajeros.

Sabi ni Col. Alberto, ang CIDU o ang Criminal Investigation and Detection Unit na ang tanggapan na magsasagawa ng investigation hanggang sa pagsasampa ng kaso.


Ang SOCO ay isang hiwalay na unit ng pulisya at hindi sakop ng Kamuning police station o anumang police district kung saan nakatalaga ang kanilang tanggapan.

Batay sa salaysay ng dalagita, nagboluntaryo kagabi ang pulis na si Altarejos na ihahatid daw ang biktima at kaniyang tita sa kanilang bahay matapos magsara ng kanilang restaurant kagabi.

Pero sa loob ng bahay ay tinakot at pwersahan umano siyang ipinasok sa kaniyang kwarto at pinagbantaan ni Pssgt. Altarejos.



Nadiskubre ang panghahalay ng tiyahin ng biktima matapos ang komosyon at ingay sa loob ng kwarto ng dalagita na isang working student.

Sa loob ng kwarto ng menod de edad na biktima, nahuli ng mga mga rumespondeng pulis na nakahubad pa ng pang-itaas na damit at nagtatago sa gilid ng aparador.


Facebook Comments