Mahigit 30,000 Filipino migrant workers na sa Hong Kong ang nakaboto para sa Philippine national elections.
Ayon sa Filipino community city-state leader na si Michael Benares, simula kahapon ay umabot na sa 31,300 Pinoy ang nakaboto sa isinasagawang absentee voting sa Hong Kong.
Aniya, inaasahang na sa 75,000 hanggang 80,000 ang magiging voters turnout sa Hong Kong bago magtapos ang halalan sa Mayo a-nuwebe.
Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), nasa 93,600 ang registered overseas absentee voters sa Hong Kong.
Nabatid na nag-uumpisa ang botohan ng alas 8:00 ng umaga habang natatapos ng alas 5:00 ng hapon.
Pero apela ni Benares, sana ay i-extend ng voting hours lalo na’t humahaba ang pila ng botohan tuwing Sabado kung saan kadalasang day-off ang mga Pinoy.