Ika-23 Pabahay Project ng PNP Nueva Vizcaya, Iginawad

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay na ang ika-23 Pabahay Project ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) sa benepisyaryong si Ginang Leonida Cabalonga ng Barangay District 4, Bayombong Nueva Vizcaya.

Kilala ang benepisyaryo sa alyas “Idang” kung saan siya ang napiling benepisyaryo ng kapulisan bilang pagpapakita ng pasasalamat ng mga kapulisan dahil sa matagal na niyang pagiging helper sa Provincial Office ng PNP.

Bakas naman sa Ginang ang saya sa biyayang kanyang natanggap.

Bukod sa bahay, naglalaman na rin ito ng gamit sa bahay gaya ng refrigerator, single bed with foam, pressure cooker,dish rack, mesa at upuan.

Nakapaloob pa rin ang aktibidad sa Pabahay Ng Pulis Alay Sa Iyo (PNP ASI) ng PNP Nueva Vizcaya na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan sa panahong ng pandemya, pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Facebook Comments