Umabot na sa higit 300,000 displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa kanilang mga lalawigan.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, nakapaghatid sila ng 302,000 repatriated OFWs pauwi sa kanilang mga probinsya mula nitong November 13 kahit naapektuhan ang kanilang operasyon ng mga nagdaang bagyo.
Tinatayang aabot sa 2,000 hanggang 2,500 repatriated Filipinos ang dumarating sa bansa kada araw.
Inaasahang aabot sa 70,000 hanggang 80,000 ang babalik sa Pilipinas sa loob ng taong ito.
Ang mga displaced OFWs ay binigyan ng 10,000 pesos emergency cash assistance sa ilalim ng Abot Kama yang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Facebook Comments