Higit 300,000 trabaho, alok sa Japan

Inaasahang nasa 100,000 katao o 30 posyento ng manggagawang Pinoy ang makikinabang sa 350,000 trabahong bubuksan ng Japan para sa foreign nationals sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, mangyayari ito oras na maging epektibo ang batas na nag-ootorisa sa mga foreign workers na magkaroon ng residence status sa Japan.

Kabilang sa mga bubuksang trabaho sa Japan ay may kinalaman sa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding at fisheries.


Ang mga papasang skilled workers ay mabibigyan ng residence status bilang specified skilled worker ng pamahalaan ng Japan.

Facebook Comments