Nahuling suspek na si Jonas Bueno, walang kaugnayan sa brutal na pagpatay sa 16-anyos sa Lapu-Lapu, Cebu – PNP

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na walang direktang kaugnayan ang suspek na si Jonas Bueno sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu, Cebu.

Si Bueno ay naaresto ng mga awtoridad sa Davao City nitong Biyernes, March 15.

Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac – si Bueno ay person of interest sa ongoing investigation.


Pero pangunahing suspek siya sa isang krimen partikular ang pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu.

Aniya, may pagkakatulad sa krimeng nagawa ni Bueno at ang murder case ni Silawan.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng PNP ang kaso kay Silawan.

Facebook Comments