HIGIT 300K TABLETAS NG IRON SUPPLEMENTS, IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA SAN CARLOS CITY

Ipinamahagi sa San Carlos City ang mahigit 300,000 tabletas ng iron supplements sa mga babaeng mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong high school bilang hakbang upang makatulong sa pag-iwas sa anemia.

Batay sa datos ng City Health Office, umabot sa kabuuang 365,360 tabletas ng Ferrous Sulfate na may Folic Acid ang naipamahagi.

Layunin ng programa na tugunan ang iron deficiency na maaaring makaapekto sa kalusugan, antas ng enerhiya, at pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan.

Ayon sa CHO, sapat ang naipamahaging iron supplements para sa tinatayang 20 linggong paggamit.

Nakapaloob din sa plano ng lokal na pamahalaan ang karagdagang pamamahagi upang matiyak ang tuloy-tuloy o year-round supplementation program para sa mga benepisyaryo.
Giit ng lokal na pamahalaan, mahalagang matutukan ang kalusugan ng kabataan upang maiwasan ang mga karamdaman na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na gawain.

Facebook Comments