Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru, ang Schools Division Superintendent, maganda ang trend ngayon ng enrollment lalo at ilang araw nalang bago ang pasukan sa August 22, 2022.
Aniya, handang-handa ang lahat ng mga Guro sa kabila ng may ilan pa ring problema sa mga silid-aralan.
Samantala, patuloy pa rin na hinihikayat ang mga Guro na magpabakuna maging ang mga mag-aaral at magulang para magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Ayon pa kay Dr. Gumaru, may labing walo nalang mga Guro ang hindi pa nabakunahan dahil kabilang ang mga ito sa may comorbidities at kinakailangan pa ng pahintulot mula sa kanilang mga doktor.
Sa darating na Lunes, August 22, ang pasukan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa bansa pero paglilinaw ng DepED na hindi pa ito full face-to-face classes.
Tiniyak naman ng pamunuan na masusunod ang mahigpit na pagpapatupad sa minimum public health standard.