Umabot na sa higit 333,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa 333,697 OFWs ang na-repatriate na.
Bukod dito sinabi rin ni Lorenzana na binabantayan ng National Task Force ang mga lugar na may pagtaas ng COVID-19 cases gaya ng Iloilo City, Tacloban, Iligan, Davao del Sur at Davao City.
Nagpadala na ang NTF ng karagdagang medical personnel sa Davao.
Facebook Comments