HIGIT 33K BAMBOO PROPAGULES, ITINANIM SA LAMBAK NG CAGAYAN

Nasa mahigit 33,000 bamboo propagules ang naitanim sa iba’t ibang plantasyon sa Lambak ng Cagayan bilang bahagi ng selebrasyon ng World Bamboo Day at Philippine Bamboo Month 2022 nitong Lunes, September 19, 2022.

Sa temang “Industriya ng Bamboo, Para sa Pag-unlad ng Ekonomiya at Pangkapaligiran!”, ang aktibidad ay naglalayong pataasin ang kamalayan at bigyang-diin ang kahalagahan ng kawayan bilang isang economic and environmental resource.

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isinagawang simultaneous bamboo planting na nilahukan naman ng iba’t ibang grupo at ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga ahensiya na nakiisa sa naturang aktibidad ang LGU-Solana, DENR-CENRO, DOLE, NEDA, DOST, TESDA, DOT, EMB, NCIP, DSWD, DPWH, DILG, DA, PIA R02, POCOM, PNP, BFP, at BJMP.

Ayon kay DTI Regional Director Leah Pulido-Ocampo, umaabot na sa kabuuang 33,042 na ang bilang ng mga kawayan na naitanim sa buong lambak Cagayan.

Facebook Comments