PAGBABAKUNA SA IBA’T-IBANG SITES, NAGPAPATULOY SA LUNGSOD NG CAUAYAN

16
Sa layong makamit ang isang daang porsyento ng nabakunahan kontra covid-19 dito sa Lungsod ng Cauayan ay patuloy ang pagpupursige ng mga health workers sa pagbabakuna sa magkakahiwalay na lugar.

Ngayong araw ng Martes, magkakaroon muli ng pagbabakuna ng primary, second dose at booster shot sa Barangay District III Community Center, SM Terminal at SM Cinema.

Sa araw ng Miyerkules ay isasagawa pa rin ang bakunahan sa Community center ng District III, SM Terminal at sa tanggapan ng CHO 1.

Mananatili rin ang vaccination sa SM Terminal at Primark sa Huwebes.

Sa araw ng Biyernes, tatanggap muli ng mga magpapabakuna ang CHO 1, SM Terminal at SM Cinema.

Tanging sa SM Cinema naman isasagawa ang vaccination sa araw ng Sabado.



Paalala lamang sa mga magpapabakuna na dalhin ang lumang vaccination card; walang karamdaman at walang natanggap na kahit na anong bakuna sa nakaraang dalawang linggo.

Facebook Comments