HIGIT 34,000 JOB VACANCIES, TAMPOK SA MAHIGIT ISANG LINGGONG JOB FAIR SA ILOCOS REGION

Nagbukas ng oportunidad sa libo-libong aplikante sa Ilocos Region ang malawakang job fair na isinagawa kasabay ng ika-92 anibersaryo ng Department of Labor and Employment sa loob ng mahigit isang linggo ngayong Disyembre.

Kabuuang 34,735 na job vacancies ang binuksan na binubuo ng 16,713 sa lokal at 18,022 naman na posisyon sa overseas employers.

Nilahukan ito ng 1,413 na rehistradong aplikante kung saan nasa 227 ang Hired-On-The-Spot habang 242 naman ang near hires.

Tuloy-tuloy ang naging paglilibot ng tanggapan sa iba’t-ibang panig ng rehiyon katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang ilapit sa publiko ang access sa mga inaalok na serbisyo sa kanilang mga membership accounts o mga dokumento na nais iproseso.

Patuloy ang layunin ng tanggapan na gawing direkta ang pagbibigay oportunidad sa publiko upang malabanan ang mga pagsubok sa paghahanap ng trabaho sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments