Higit 34,000 katao, nananatili sa iba’t ibang evacuation center bunsod ng pananalasa ng Bagyong Agaton

Sumampa na sa 34,583 katao ang inilikas ng pamahalaan sa ilang lugar sa Visayas dulot ng pananalasa ng Bagyong Agaton.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal na ang mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa 348 na mga evacuation center.

Sa ngayon ani Timbal, kahit wala na ang Bagyong Agaton ay maulan pa rin sa malaking bahagi ng Visayas at nananatili pa ring baha sa ilang mga lugar.


Sinabi pa nito na nagtutuloy-tuloy ang ginagawang search, rescue and relief operations sa mga apektadong residente.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, nasa 43 katao na ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

37 ay mula sa Leyte, tatlo ang nalunod sa Regions 7 at 11 kung saan walong katao ang nasaktan at pito naman ang nawawala.

Facebook Comments