Hindi gumaganang transmission line dahil sa Bagyong Agaton, isa na lamang – NGCP

Isang transmission line na lamang sa Ormoc, Maasin, Leyte na apektado ng Bagyong Agaton ang hindi operational ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na bukod sa mga pagbaha ay nagkaroon din kasi ng landslide kung kaya’t tumumba ang toreng nagkokonekta sa Bohol at Leyte.

Dahil dito ay wala pang supply ng kuryente ang mga residente sa Maasin, Leyte.


Samantala, tiniyak naman ni Alabanza na maisasaayos sa loob ng isang linggo ang nasirang transmission line.

Facebook Comments