Aabot na sa 4,262,546 milyong residente o 43.5% ng eligible population ng Metro Manila ang fully vaccinated na.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chief Benjamin ‘Benhur’ Abalos, mula ito sa tinatayang 14 milyong populasyon ng Metro Manila.
7,350,611 na rin ang nakatanggap ng first dose o katumbas ng 75% ng target population.
Dahil dito, umakyat na sa 11,613,157 na ang kabuuang bilang ng mga bakunang naipamahagi sa buong National Capital Region (NCR).
Samantala, tinatayang 69.52% o 15,130 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa NCR ang hindi pa bakunado.
Facebook Comments