Publiko, pinayuhan ng DOH na iwasang mag-self medicate sa COVID-19

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na agad na magpasuri kapag nakararamdam ng mga sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layon nito na maagapan ang pagtugon sa pasyente at maiwasan ang lalo pang pagkalat ng impeksyon.

Dagdag niya, inaabot ng 2 hanggang 3 araw bago lumabas ang resulta ng swab test.


Hinimok din ni Vergeire ang mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na agad na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan para sila ay matulungan at maagapan ang maaring pagkalat nito.

Facebook Comments