Mahigit 40 employer sa Riyadh, Saudi Arabia ang inilagay ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa “blacklist.”
Ayon kay Labor Attaché Fidel Macauyag, nasa 39 recruitment agency at 18 kompanya naman sa Saudi ang sinuspinde ng POLO.
Aniya, ang kanilang hakbang ay bahagi ng kampanya nilang “linisin” ang mga recruitment agency.
Giit pa ni Macauyag, paraan din ito para mabawasan ang mga welfare case sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Sa ngayon, nagsasagawa ang POLO Riyadh ng mahigpit na berepikasyon para matiyak na ang mga recruitment agency at kompanya sa Saudi Arabia ay lehitimo at sumusunod sa mga pamantayan.
Facebook Comments